Pedicab driver inatado ng taga ng dalawang lalaki
MANILA, Philippines — Todas ang isang pedicab driver nang pagtatagain ng dalawang lalaki na matagal na niyang kaalitan, naganap sa Barangay Inabuan, San Francisco, Quezon, kamakalawa.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, alas-6:00 ng gabi habang nagmamaneho ng pedicab ang biktimang si alyas Noel, 49, pauwi sa kaniyang bahay nang harangin ng mga suspek at walang kaabug-abog na pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Naisugod pa sa ospital ang biktima matapos ang insidente, subalit idineklara itong dead on arrival.
- Latest