^

PSN Showbiz

Vic at Piolo, mag-uumpisa na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vic at Piolo, mag-uumpisa na!
Vic Sotto
STAR/File

Sa susunod na buwan ay uumpisahan na nina Vic Sotto at Piolo Pascual ang pelikulang may tentative title na Balwarte.

Balak nilang isumite ito sa Metro Manila Film Festival. Wala muna silang maibigay na iba pang detalye dahil sisimulan pa lang at inaayos pa rin ang script.

Ang isa pang aabangan ay ang malaking pelikulang collaboration nina direk Jun Lana at Vice Ganda. Ito ‘yung And The Breadwinner Is…

Ang dinig namin, nagkaroon na ng story conference pero ayaw pa nilang ibahagi kung sino ang mga kasama.

Ang isa lang sa nabalitaan namin ay kasali ang bagong loveteam na pinasikat ng isang teleserye.

Maganda rin ang konsepto ng isang family drama na ipo-produce ng Cineko Productions na collaboration din yata sa Quantum Films.

Ito ‘yung pagbabalik-acting ni Ms. Hilda Koronel.

In-announce na nga ng Borracho Films na isusumite rin nila sa MMFF itong biopic ni dating Sen. Gringo Honasan na ang title pala ay Gringo: The Greg Honasan Story. Matinding paghahanda ang gagawin nila sa pelikulang ito dahil ipapakita rito ang People Power Revolution na nangyari sa EDSA noong 1986.

Kaya inamin naman ng direktor nilang si direk Lester Dimaranan na malaking challenge ito sa kanila, lalo na ‘pag ini-reenact ang 1986 People Power. “’Yung medyo challenge sa amin ‘yung location, like kasi imagine ‘yung EDSA. Wala pang MRT nu’n, wala pang flyover. So, ‘yun ‘yung kailangan naming i-consider, tapos ‘yung mga damit, ‘yung wardrobe, production design. So, malaking challenge.

“Gagamit din po kami ng CGI, may ganun din po. Medyo magastos sa part na ‘yun, pero hangga’t maari po, gusto naming maging accurate,” saad ni direk Lester.

Pero ang mahalaga rito ay ang matutunan natin sa pelikulang ito, sabi naman ng dating Senador Gringo Honasan.

“’Yun ang hinahangad namin dito na matuto ‘yung audience natin, lalo na ‘yung mga kabataan ‘no? Iwasan natin itong pagkakamali nung nakaraan para hindi maulit ‘yung people power, ‘yung rebolusyon, ‘yung coup d’etat mapayapa na tayo. Magkaisa tayo run. ‘Yun ‘yung objection,” bahagi ng dating senador.

Mayor Ina at mister, araw-araw naka-bullet-proof!

Nabanggit ni Pola, Oriental Mindoro Mayor Ina Alegre sa DZRH, na pursigido siyang ituloy ang pelikula na naglalahad sa nangyaring oil spill sa Mindoro na ang bayan nila ang isa sa nasalanta nang husto.

Maganda ang kuwento, pero hindi pa pala niya masisimulan dahil hinihintay pa niya ang kahihinatnan ng kaso laban sa kumpanyang nagmamay-ari ng oil tanker na ‘yun.

Samantala, kinumusta na rin si Mayor Ina at ang buong pamilya dahil mainit ngayon ang asawa niyang si PAOCC Undersecretary Gen. Gilbert Cruz.

Si Usec. Gilbert ang nagpasimuno ng raid sa POGO hub sa Bamban, Tarlac na kung saan ay patuloy pa ring iniimbestigahan si Mayor Alice Guo.

Nasundan din ang pag-raid nila sa POGO hub sa Pampanga. Kaya ngayon daw ay halos araw-araw ay nakakatanggap ng death threats si Usec. Gilbert Cruz at pati si Mayor Ina ay ganun din.

“Alam mo bang naka-bullet proff din ako dahil natatakot din ako sa buhay ko. Pero siyempre, hindi naman natin kilala kung sinong nagagalit sa kanya,” sambit ni Mayor Ina.

Kaya dobleng ingat daw sila at patuloy lang sa panalangin na proteksyonan sila ng Panginoon.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with