^

Police Metro

Mayor Guo, pamilya pinapa-subpoena ng Senado

Malou Escudero - Pang-masa
Mayor Guo, pamilya pinapa-subpoena ng Senado
In this Facebook post on May 31, 2024 shows Mayor Alice Guo with senior citizens of Bamban, Tarlac.
Facebook/Mayor Alice Leal Guo

MANILA, Philippines — Matapos umanong hindi sinipot ni suspended Bamban Mayor Alice Guo ang pagdinig kahapon ng Se­nate committee on wo­men, children, family relations and gender equa­lity ay ipi­na-subpoena ito at ­ilang miyembro ng kanyang pamilya.

Ipinag-utos ni Senador Risa Hontiveros, chairperson ng komite ang pagpapalabas ng subpoena matapos isnabin ni Guo  ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa kanyang nasasakupang lugar.

Pinatawag na ng komite ang ama ni Mayor Guo na si Jian Zhong Guo, biological mother nitong si Lin Wen Yi, at mga kapatid na sina Shiel, Seimen at Wesley Leal pero lahat sila ay hindi dumalo sa pagdinig.

Bukod dito, pinapatawag din ng komite si Nancy Gamo, accountant at siyang namamahala sa paghahain sa mga dokumento ng mga negosyo na pamilya Guo.

Sa sulat ni Guo sa komite, sinabi nito na hindi siya “fit” na dumalo sa pagdinig bilang resource person dahil naapektuhan na ang kanyang physical at mental health dahil sa  mga isyung ibinabato sa kanya at sa sobrang stress.

Ipinaalala rin ni Guo sa komite na isinailalim na siya ng Office of the Ombudsman sa anim na buwang preventive suspension habang pending ang mga kinakaharap niyang administrative charges.

Ibinasura rin aniya ang kanyang mosyon na tanggalin ang preventive suspension na may petsang Hunyo 10, 2024.

Idinagdag ni Guo na napakarami ring sulat ang ipinadala sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa kanyang mga “legitimate busi­nesses” at kasong kriminal na isinampa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng non-bailable offense na human trafficking.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with