^

Police Metro

4 Tinedyer na wanted sa pagpatay, arestado

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na tinedyer na itinuturing na most wanted persons (MWP) sa kasong pagpatay sa Makati City ang inaresto ng mga pulis sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Gedrick Rodillas, 18, tricycle driver, ng San Andres Bukid, Maynila at itinuturing na Top 1 MWP sa station level; AJ Atienza, 18, tricycle dri­ver, ng San Andres Bukid, Maynila, na itinuturing na Top 4 MWP sa station level; at dalawang 16-anyos na lalaki, na hindi na pinangalanan dahil sa pagiging menor de edad na  kapwa itinuturing na Top 2 at Top 3 MWP sa station level.

Sa naantalang ulat ng Manila Police District (MPD)- Warrant and Subpoena Section, alas-5:45 ng hapon ng Biyernes nang maaresto ang mga suspek sa Zobel Roxas St., Sta. Ana, Maynila dahil sa nakuhang impormasyon ng mga otoridad hinggil sa kinaroroonan ng mga ito.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Hon. Cristina Javalera Sulit, presiding judge ng Makati City Regional Trial Court Branch 140 noong Hunyo 13, 2024 ay inaresto ang apat na suspek.

Batay sa record, nag-ugat ang kaso matapos na bugbugin at pagsasaksakin ng mga suspek ang textmate ng nobya ni Rodillas sa P. Ocampo St., Brgy. La Paz, Makati City, dakong alas-8:20 ng gabi noong Disyembre 1, 2023, dahil lamang sa selos.

Nabatid na bago ang krimen ay nakita umano ni Rodillas na may ka-textmate ang kanyang nobya sa cellphone nito.

Dito na umano pinilit ni Rodillas ang nobya na makipagkita sa kanyang textmate sa isang gasolinahan sa naturang lugar at saka tinawag ang kanyang mga katropa.

Nang dumating ang biktima ay agad na pinagtulungan ng mga suspek na bugbugin at tatlong ulit na saksakin na nagresulta sa pagkamatay nito.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with