^

Police Metro

Bonggang birthday ni Cong. Malapitan, pinuna

Ludy Bermudo - Pang-masa
Bonggang birthday ni Cong. Malapitan, pinuna
This photo shows Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.
Mayor Oscar Malapitan, Facebook

MANILA, Philippines — Pinuna ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang umano’y magarbong pagdiriwang ni Caloocan City Cong. Oscar Malapitan ng ika-70 kaarawan nito sa isang mamahaling hotel kamakailan na umabot sa halagang P3 milyon.

Sinabi ni Trillanes, hindi magandang ehem­plo ang ipinakita ni Malapitan na habang nagdiriwang ng magarbong kaarawan ay mara­mi namang mga taga-Caloocan ang naghihirap.

Hindi rin daw isyu kung personal na pera ni Malapitan ang ginamit o ginastos sa birthday party. Mas masarap sana sa pakiramdam kung nagsagawa na lamang ng kanyang kaarawan ang mambabatas sa pi­ling ng kanyang mga constituent.

Kinuwestyon din ni Trillanes kung saan ga­ling ang pinanggastos sa magarbong birthday party ni Malapitan na ginawa noong Hunyo 14 sa isang sikat at mamahaling hotel sa Pasay na dinaluhan ng 1,000 bisita.

Matatandaang si Malapitan ay inakusahan sa maling paggamit ng kanyang PDAF na may halagang P8 mil­yon at makaraan ang 2 taon noong 2015 ay nagsampa ang Office of the Ombudsman ng kasong graft and corruption at 6 opisyal ng DSWD nang gamitin ang kanyang PDAF para sa programa ng Kalookan Assistance Council Inc., noong 2016.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with