^

Police Metro

Dalagang angkas sa motor, dedo sa bangga

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabasag ang bungo at namatay ang isang 17-anyos na babae na ang­kas sa motorsiklo nang bumangga ang kanilang sinasakyan na minamaneho ng kanyang nobyo, kamakalawa ng umaga sa Brgy. Malino Ilaya, Atimonan, Quezon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Alyssa Tagub, ng Brgy. Zone III habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa Dona Martha District Hospital dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang nobyo nitong si alyas Joselito, may sapat na taong gulang at residente ng Brgy. Tinandog.

Ayon sa pulisya, alas-6:00 ng umaga ay sakay ang mga biktima sa isang Honda motorcycle at bina­bagtas ang old zigzag road, subalit pagsapit sa kurbada ay nawalan ng kontrol sa manibela si Joselito at tuluy-tuloy na binangga ang railings na nasa gilid ng highway.

Dahil kapwa mga walang suot na helmet ay nagtamo ng mga grabeng pinsala ang nasa­wing biktima at nobyo.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with