Presyo ng bigas bababa ng P6 sa susunod na Linggo - Romualdez
MANILA, Philippines — Dahil sa pagbabawas ng taripa sa mga imported rice ay inaasahan na bababa na rin ang presyo ng bigas hanggang P6 sa mga darating na linggo.
Ito ang napag-usapan sa pulong na ipinatawag ni House Speaker Martin Romualdez sa Makati na dinaluhan ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs, at mga kinatawan ng SM Grocery Chain at Puregold.
Ayon kay Speaker, “We are hoping na mararamdaman natin ang epekto ng pagbaba ng presyo ng bigas dahil sa pagbawas sa taripa sa Hulyo”, anang lider ng Kongreso. Tantiya ng DA at DTI, bababa sa P5 hanggang P6 kada kilo ang bigas dahil sa tariff reduction.
Pinawi rin ni Romualdez ang pangamba ng ilang farmer groups na baka bumaha na ng imported na bigas sa bansa dahil sa pagbawas ng rice tariff.
Anya,kontrolado pa rin ng DA ang bilang ng pagpasok ng bigas sa bansa dahil sa import permit na iisyu nito.
- Latest