^

Police Metro

Old school calendar posibleng ilarga sa susunod na taon

Gemma Garcia - Pang-masa
Old school calendar posibleng ilarga sa susunod na taon
A student uses an envelop to protect herself from the sun during a hot day in Manila on April 2, 2024. More than a hundred schools in the Philippine capital shut their classrooms on April 2, as the tropical heat hit "danger" levels, education officials said.
AFP/Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Inaasahang maibabalik sa susunod na taon ang dating school calendar o pasukan ng mga estud­yante sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hini­ngi na niya kay Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte-Carpio ang kongkretong plano para maibalik ang dating schedule ng pasukan na Hunyo at matatapos sa Abril.

Sinabi ng Presidente na wala naman siyang nakikitang pagtutol sa planong ibalik ang dating school calendar dahil sa kasalukuyang sitwasyon, kung hindi kanselado ang klase ay nagpapatupad ng online class dahil sa ma­tinding init ng panahon.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na sa tuwing makikinig at manonood siya ng balita ay kanselasyon o kaya ay naipapagpaliban ang pag-aaral ng mga bata dahil sa epekto ng El Niño kaya kailangan na aniyang maibalik ang dating schedule ng pasukan dahil mas mainam ito para sa mga bata.

Dahil sa napakataas na nararanasang heat index sa bansa dulot ng epekto ng El Niño phenomenon, napipilitang magkansela ng klase ang DepEd dahil mahihirapan ang mga estudyante at sa halip ay online class ang paraan sa pag-aaral ng mga estudyante sa ele­mentarya at high school.

FACE FACE CLASS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with