^

Police Metro

2 Nene ginulpi, sinakal ng lalaking may problema sa isip

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 7-anyos na batang babae ang nasawi matapos gulpihin at sakalin ng lala­king may karamdaman sa pag-iisip habang nakaligtas naman ang isa pang bata, naganap kamakalawa sa Brgy. Pili, Sariaya, ­Quezon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jonalyn Alpuerto, grade 1 pupil habang ginagamot sa ospital si Angelica Mae Rogelio, 8, grade 3, at parehong residente ng Barangay Morong.

Sa report ng Sariaya police, naglalaro ang da­lawang bata sa harapan ng kanilang bahay nang lapitan sila ng suspek na si alyas Pocholo at sinabing pinapasundo sila ng nanay ni Angelica.

Nang sumama ang dalawang bata, dinala ang mga ito ng suspek sa magubat na lugar sa Barangay Pili at saka ginapos ng dahon ng “buli”.

Habang nakagapos, pinagsusuntok at saka sinakal ng suspek ang da­lawa hanggang sa mawalan ng malay.

Nang magising si ­Angelica, agad itong tumakbo patungo sa bahay nina Jonalyn at humingi ng tulong sa tatay nito at doon na natuklasan na wala ng buhay si Jonalyn.

Agad nagsagawa ng manhunt operation ang ­Sariaya police at nahuli ang suspek nang isuko ng kanyang mga magulang sa barangay.

Inamin ng suspek ang kanyang ginawang krimen at lumabas sa pagsisiyasat na hindi naman ginahasa ang dalawang biktima.

Ayon sa suspek ay biglang naging mga manikin ang tingin niya sa dalawang bata.

Nabatid ng pulisya na ang suspek ay may karamdaman sa pag-iisip at bigla na lamang nagbabago ang mood at nawawala sa kanyang sarili.

Nakakulong na sa Sariaya Municipal police station at sinampahan ng kasong murder at frustrated murder.

GULPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with