Pambili ng paputok i-donate na lang sa mga biktima ng ‘Odette’
MANILA, Philippines — Nanawagan si acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na sa halip bumili ng paputok para salubungin ang Bagong Taon ay mas makakabuti na i-donate na lang ang kanilang perang pambili sa mga biktima ng bagyong Odette.
Ito ay matapos na inulat kamakalawa ng Department of Health (DOH) na mayroon ng 25 firecracker-related injuries bago pa ang Bagong Taon.
Anya, sa halip na igastos sa paputok, sa ipinagbabawal na firecrackers ay ibigay na lang ang perang pambili nito sa mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette.
Paliwanag pa niya na may nilagdaang executive order noong 2017 si Pangulong Duterte kung saan nakasaad na ang paputok ay kinakailangan lamang na gamitin sa community fireworks displays para mabawasan ang panganib na magtamo ng sugat o may mamatay sa gagamit nito.
Ang community fireworks ay kinakailangan umano na gawin sa ilalim ng superbisyon ng trained person na lisensiyado ng Philippine National Police (PNP).
- Latest