3 buwang fully vaxxed Janssen at Sputnik Light ok sa booster shot — FDA
MANILA, Philippines — Ang Janssen at Sputnik Light COVID-19 vaccines ang maaari pa lamang tumanggap ng ‘booster shot’ tatlong buwan matapos silang maturukan.
“Merong dalawang brand ng bakuna, ‘yung Janssen at saka ‘yung Sputnik Light na mga single dose, maaari na pong mag-booster three months after,” ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo.
Ipinaalala rin ni Domingo na ang mga tumanggap ng ibang brands ng bakuna ay hindi pa binibigyan ng go-signal na magpa-booster shots kung wala pang anim na buwan matapos na makumpleto nila ang ikalawang dose.
“Pero ’yung ibang mga bakuna natin,’yung mga double dose, sa ngayon po ang ating experts ang pinapayagan ay six months after,” saad niya.
Lumitaw umano sa mga pag-aaral na nagsisimula lamang mabawasan ang bisa ng mga naturang double doses na bakuna matapos ang anim na buwan kaya epektibo pa ito laban sa virus.
Mas nararapat naman umano na mas tumutok ang pamahalaan sa pagbibigay ng bakuna sa mga Pilipino na hindi pa nakakatanggap ng kahit isang dose upang mabigyan din sila ng proteksyon at maabot ang herd immunity.
- Latest