Presyo ng petrolyo tataas sa bisperas ng Pasko
MANILA, Philippines — Base umano sa dikta ng presyuhan ng krudo sa international market ay nagbabadya ng pagtaas sa bisperas ng Pasko ang presyo ng mga produktong petrolyo partikular ang diesel at kerosene.
Sa pagtataya ng mga oil industry experts, inaasahan na tumaas ang presyo ng Diesel mula P1.10 hanggang P1.20 kada litro habang ang Kerosene naman ay tataas ng mula P1 hanggang P1.10 kada litro.
Maaari namang walang maganap na pagtaas sa presyo ng gasolina o kaya naman ay mabawasan ng bahagya sa halagang P.10 sentimos kada litro.
Anya, tumaas ang demand o pangangailangan sa diesel kumpara sa gasolina kasunod ng kasunduan ng China at US.
- Latest