Chief of police ng Tayabas City, 2 tauhan sumuko
MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ng Calabarzon Provincial Police Office sina Tayabas City chief of police P/Colonel Mark Joseph Laygo; Police Staff Sergeant Robert Legazpi at Police Corporal Leonald Sumalpong kaugnay ng umano’y ‘scripted’ na kaso ng shootout na ikinasawi ng anak na lalaki ng alkale ng Sariaya, Quezon noong Marso 14.
Sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga nang magsisuko sina Laygo, Legazpi, at Sumalpong kung saan isasailalim ang mga ito sa ‘inquest procee-dings’ kaugnay ng kasong kriminal na isinampa ng pamilya ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta.
Ang kaso ay kaugnay ng pagkakapatay ng mga tauhan ni Laygo kay Christian Gayeta, anak ng alkalde at ng security escort nitong si Christopher Manalo na umano’y napagkamalang holdaper
- Latest