Higit P2 milyon yosi na walang health warning labels, nasabat
MANILA, Philippines — Aabot sa halagang P2.175 milyon sigarilyo ang nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao matapos matuklasan ang mga produkto ay walang graphic health warning labels na mandato ng batas.
Batay sa CIDG, nakumpiska ng Davao City authorities ang 87 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo sa isang buy-bust operation sa isang dry goods trading store nitong Huwebes ng hapon.
Nadakip din ng mga otoridad ang may-ari ng tindahan na residente ng Davao City at isang Chinese national na kinilala ng CIDG sa pangalang “Chen.”
Rekisitos sa Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warning Law ang photographic at textual warnings para sa mga sigarilyo o tobacco products.
- Latest