^

Police Metro

90 porsyento ng mga Pinoy aprub sa ayuda program - survey

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon na tama na ang paninira at makinig  sa sambayanang Pilipino tungkol sa benepisyo ng ayuda program.

Tinukoy ni Suarez ang resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia, kung saan 80 hanggang 90 porsiyento ng mga Pilipino ang kumikilala sa benepisyo ng social welfare programs gaya nga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Walang Gutom Program.

Binigyang-diin niya na ang Kamara de Representantes, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ay nananatiling matatag sa pagtiyak na magpapatuloy ang mga programang ito sa kabila ng pagtutol ng ilang sektor.

Hindi rin aniya tama at hindi patas na sabihin na ginagawang depen­dent sa gobyerno ang mga bini­bigyan ng ayuda.

Hinimok ni Suarez ang mga kritiko iwaksi ang pagkakawatak-watak at sa halip ay ituon sa paghahanap ng solusyon ang kanilang oras para makatulong sa pagpapa-angat ng buhay ng mga Pilipino.

AYUDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with