Walang meningo outbreak-DOH
MANILA, Philippines — Agad na pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko sa isyu ng meningococcemia outbreak sa bansa.
Ito ay matapos na kumalat ang fake news sa social media na may kaso ng outbreak ng meningococcemia na ikinasawi ng isang 2 taong gulang na bata sa Valenzuela City.
Pero, iniimbestigahan din ng DOH ang kaso kung saan kinakitaan umano ng mga sintomas ng sakit ang biktima.
Kinokolekta nila ang mga laboratory specimens at hinihintay nila ang resulta ng pagsusuri.
Naglaan din ang DOH ng post-exposure prophylaxis sa mga indibidual na nakasama o nakasalamuha ng biktima kabilang na ang lagnat, pag-ubo rashes at pagsusuka.
- Latest