Smuggling ng imported na pulang sibuyas imbestigahan - AGAP

MANILA, Philippines — “Imbestigahan ang pinagmumulan ng smuggling ng pulang sibuyas sa bansa”.
Ito ang naging panawagan kahapon si Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) convenor at nagbabalik na mambabatas Rep. Nicanor “Nikki” Briones sa pamahalaan.
Kaya’t hinikayat ni Briones ang Anti-Agricultural Economic Sabotage (AAES) Council, sa pangunguna ni Secretary Frederick Go, na imbestigahan ang pinagmulan ng mga smuggled na pulang sibuyas.
Nag-ugat ang panawagan nang iulat ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang smuggling ng pulang sibuyas sa isinagawang market inspection sa Paco Public Market sa Maynila.
Isiniwalat ni Laurel Jr. na hindi iniotorisa ng kaniyang departamento ang anumang sanitary at phytosanitary cleareance para sa importasyon ng pulang sibuyas.
Samantalang upang makamit ng programa ng gobyerno sa hangad nitong “food security” ay dapat aniyang dagdagan ang pondo ng Department of Agriculture (DA) para sa susunod na taon kaugnay ng pagtalakay ng Kongreso sa General Appropriations Act (GAA) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr. para sa taong 2026.
- Latest