^

Police Metro

Bangkay ng 34 missing sabungeros pinapasisid ng DOJ sa Taal Lake

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Bangkay ng 34 missing sabungeros pinapasisid ng DOJ sa Taal Lake
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na gagamitin nila ang mga naging pahayag at rebe­lasyon ng itinuturing na state witness at whistle blo­wer na si alyas “Totoy” upang muling maumpisahan ang imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungero.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakahanda si Justice Secretary Crispin Remulla na magpadala ng tactical divers sa Taal Lake para makumpirma kung totoo nga doon inilibing ang bangkay ng 34 missing sabungeros.

Maging si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ay handang pangunahan ang paghahanap sa bangkay ng mga nawawalang sabungero na may apat taong nang nawawala.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na gagamitin nila ang mga naging pahayag at rebe­lasyon ng itinuturing na state witness at whistle blo­wer na si alyas “Totoy” upang muling maumpisahan ang imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungero.

Aniya, maitutu­ring na isang malaking deve­lopment ang mga paha­yag na ito ni alyas ‘Totoy’ para agad na maresolba at mabigyan ng hustisya ang mga sabungero ma­ging ang mga pamilya nito.

Bagamat isang mala­king breakthrough sa kaso ang rebelasyon, nanati­ling isang mala­king hamon para sa PNP ang paghahanap sa mga labi ng mga sabungero lalo na’t nasa 34 na mga bangkay ang nakatakda nilang hanapin sa malawak at malalim na Taal Lake.

MISSING

SABUNGERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with