^

Police Metro

Nasa 50 Chinese maritime militia vessels, nagkumpulan sa Rozul Reef

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela ang pagkumpulan ng humigit-kumulang 50 na mga Chinese maritime militia (CMM) vessels sa Rozul Reef sa West Philippine Sea noong Hunyo 17.

Ang Rozul Reef o Iroquios Reef ay matatagpuan sa 128 nautical miles mula sa Palawan at pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Tarriela, kaagad silang nag-deploy ng dalawang PCG vessels partikular na ang BRP Cape San Agustin at BRP Cape Engaño; at isang aircraft at hinamon ang presensya ng mga barko na hindi naman tumugon.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkumpulan sa naturang lugar ang mga naturang mga barko ng China.

Gayunman, dati umano ay mas kakaunti lamang ang mga ito at hindi pa aabot sa 30.

Nagpahayag din naman ng paniniwala si Tarriela na may dahilan kung bakit naroon ang mga naturang Chinese Maritime Militia vessels.

Maaari aniyang nais ng mga ito na igiit ang kanilang claim sa naturang lugar o di kaya ay gamitin ito bilang isang uri ng intimidasyon.

“It can also be used as a form of intimidation kasi alam naman natin na ang Rozul Reef is also a fishing area ng ating mga mangingisdang Pilipino,” dagdag pa nito.

Muli namang nanindigan si Tarriela na ang naturang reef, na sakop ng Palawan at nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with