SUV hulog sa bangin: 3 patay, 3 sugatan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Nalagas ang tatlong miyembro ng pamilya ng isang pulis habang kritikal din siya kasama ang kanyang misis at 2-anyos na anak matapos mahulog sa matarik na bangin ang kanilang sinasakyang Toyota Hilux SUV sa boundary ng Barangay Ambuklao, Bokod at Brgy. Tinongdan, Itogon, Benguet noong Sabado. ?
Ayon kay Chief Insp. Vincent Tamid-ay, hepe ng Bokod Police na naunang rumesponde sa sakuna; nakilala ang mga namatay na sina Judea Layno, 13 at Juleah Layno, 9, na anak ng drayber ng sasakyan na si SPO2 Joefel Layno. Nasawi rin sa sakuna si Fely Layno, 60, ina ng pulis.?
Isinugod din sa Baguio General Hospital si SPO2 Layno kasama ang misis na si Judith, 30 at paslit na anak na si Joerich, 2.?
Papauwi sa Bambang, Nueva Vizcaya galing sa Baguio City ang mag-anak kung saan naka-destino ang nasabing parak nang maganap ang insidente. Lumalabas na mechanical trouble ang sanhi kung bakit nawalan ng kontrol si Layno sa sasakyan (RBV 967) kaya ito nahulog sa may 50 metrong lalim na bangin dakong alas-2:30 ng hapon sa Sitio Guesit, Tinongdan sa pagitan ng Tinongdan at Bokod.
Unang kinumpirma ni P/CI Claveria Villegas, hepe ng Bambang Police ang insidente matapos magawa pa umanong makatawag sa kanya si Layno na kanyang inaanak sa kasal para iparating ang pagkahulog ng kanilang sinasakyang pick-up sa bangin. Ipinasyal umano ng pulis ang kanyang pamil ya sa lalawigan ng Ilocos at Baguio City nang makakuha ng bakasyon matapos ang duty niya nitong Pasko at Bagong Taon.
- Latest