^

Police Metro

Bagets pumatay nang matalo sa volleyball

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang 32-anyos na lalaki ng isang 17-anyos na binata na tinalo ng grupo ng una sa volleyball kamakalawa ng hapon sa Brgy. Situbo, Roxas, Zamboanga del Norte.

Namatay noon din ang biktimang si Ricky Suya, ng Brgy. Situbo, Roxas ng lalawigang ito matapos na lumuwa ang bituka sa sunud-sunod na saksak ng suspek na si alyas Iking na agad tumakas.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9,  bago naganap ang krimen bandang alas-4:00 ng hapon ay naglaro ng volleyball ang grupo ng suspek at ng biktima na nauwi sa kantiyawan matapos na matalo ang mga una.

Nagpanting umano ang suspek na agad bumunot ng patalim saka big­la na lamang dinaluhong ng saksak ang biktima na duguang bumulagta sa insidente.

vuukle comment

BAGETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with