Koko suportado ang multimodal system ng PRRC-LLDA
MANILA, Philippines - Nagpakita ng lubos na suporta si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel kay Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executice Director Jose Antonio E. Goitia nang personal na ipinadala kamakailan si Chief of Political Division Ronwald Munsayac para suportahan ang mga programa at proyekto ng komisyon.
Iprinisinta ni Goitia ang mga bisyon at misyon niya sa PRRC sa tulong ni Architect Raymart Santos ng Design Division na ipinakita ang Multimodal Transport System na magkokonekta sa Pasig River sa Laguna de Bay sa pamamagitan ng inter-linked transport services tulad ng ferry boats, light rail transits at road networks.
Pormal namang pinanumpa ni Goitia si Deputy Executive Director for Operations Gregorio Garcia na naging saksi pa si Munsayac at nangako ang miyembro ng PRRC-Laguna Lake Development Authority (LLDA) Technical Working Group na gagawin ang kanyang makakaya para matupad ang proyekto na tiyak lalutas sa sobrang trapik sa Metrro Manila.
Humanga naman si Munsayac sa mga plano ni Goitia para sa PRRC sa pakikipagtulungan ng ibang kagawaran at ahensiya ng gobyerno.
“He has very ambitious plans for the Commission (PRRC) and he’s very hardworking. He has achieved a lot in less than a month as Executive Director of the PRRC,” pagmamalaki ni Munsayac sa presidente ng PDP-Laban San Juan City Council.
Nagpasalamat naman si Goitia kina Pimentel at Munsayac gayundin kay Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pangakong lilinisin ang PRRC sa anumang korupsiyon ng mga dating nangasiwa sa ahensiya para sa wastong pagbabago na isinusulong ng gobyerno.
- Latest