Binay admin prayoridad trabaho sa lalawigan
MANILA, Philippines – Ipinangako ni Vice President Jejomar Binay na kapag nanalong pangulo ng bansa sa 2016 ay bibigyan niya ng mas mahigit na atensiyon ang kabuhayan ng mga nasa lalawigan.
Anya, magpopokus ang Binay administration sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka upang sa ganun ay makapagbigay ng mga trabaho para mawakasan na ang paghihirap ng mga tao na nakatira sa 15 lalawigan na may pinakamaraming mahihirap na pamilya.
Inihalimbawa ni Binay na batay sa datos ng National Anti-Poverty Commission’s 2012 Poverty Estimates na ang mga nasa Lanao del Sur-67.3 percent ang kahirapan; Eastern Samar-55.4 percent;, Apayao-54.7 at Maguindanao-54.5 percent.
Binigyan diin ng Bise Presidente ang tungkol sa agrikultura matapos ilabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kanilang ulat na nagpapakita na ang agricultural sector ay lumago lang ng 1.6 percent mula 2011 hanggang 2015.
“Balewala lang ang economic growth kung hindi naman mabibigyan ng trabaho ang mga tao lalo doon sa mga nakatira sa lalawigan”. wika ni Binay.
Idinagdag pa nito na ang paglago ng sektor ng agrikultura sa panahon ng Aquino administration ay pinakakulelat kung pagbabatayan ang nakalipas na limang naging pangulo ng bansa.
Sinabi pa ni Binay na lilikha ang kanyang administration ng mga economic zones sa mga mataong lugar sa lalawigan at sasanayin ang mga magsasaka mula sa pagtatanim patungo sa agribusiness.
- Latest