^

PSN Palaro

Gilas nagparamdam agad sa Doha

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas nagparamdam agad sa Doha
Bumida si Dwight Ramos sa Gilas laban sa Qatar.
Photo@ Qatar Basketball Federation

MANILA, Philippines — Nagpasiklab agad ang Gilas Pilipinas nang hiyain nito ang host Qatar via 74-71 come-from-behind win kahapon sa 2nd Doha Invitational Cup na ginaganap sa Qatar University Sports and Events Complex.

Nabaon ang Gilas Pilipinas sa 11 puntos sa hu­ling kanto ng laban.

Kaya naman agad na rumesponde ang Pinoy squad.

Naglatag ang Gilas ng 23-11 atake sa likod nina  Dwight Ramos, Justin Brownlee at AJ Edu para makuha ang unang panalo nito.

Nanguna para sa Gilas si Dwight Ramos na kumana ng 15 puntos tampok ang tatlong three-pointers kasama pa ang dalawang rebounds at dalawang assists.

Nagdagdag naman si eight-time PBA Most V­aluable Player June Mar Fajardo ng 12 puntos, pitong boards at dalawang assists habang naglista si Brownlee ng 10 puntos, limang rebounds at limang assists.

Nag-ambag din si Scottie Thompson ng 10 puntos samantalang nagparamdam si Edu tangan ang anim na puntos at 10 boards.

Solido ang opensa ng Gilas na nakakuha pa ng pitong puntos at limang rebounds mula kay two-time UAAP MVP Kevin Quiambao na miyembro ng Goyang Sono Skygunners sa Korean Basketball League.

Bumandera para sa Qatar si naturalized player Tyler Harris na may  17 puntos mula sa impresibong 8-of-10 shooting samantalang nagsumite naman si Mike Lewis ng 15 markers.

Ilang oras lamang ang magiging pahinga ng Gilas Pilipinas dahil agad itong sasalang sa kanilang ikalawang laro laban sa Lebanon sa alas-6 ng gabi (alas-11 ng gabi sa Maynila).

Nauna nang natalo ang Lebanon sa Egypt sa kanilang unang laro sa iskor na 70-82.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with