PBA break muna para sa Gilas

MANILA, Philippines — Pansamantalang ibibitin ang semifinals series ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup dahil sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa 2nd International Friendly Basketball Championship sa Doha, Qatar.
Nakatakda ang nasabing torneo sa Pebrero 14 hanggang 16.
Nakumpleto ng No. 4 Barangay Ginebra at No. 6 Rain or Shine ang semifinal cast matapos sibakin ang No. 5 Meralco, 94-87, at ang No. 3 Converge, 112-103, ayon sa pagkakasunod, sa Game Three ng kanilang quarterfinal series.
Lalabanan ng Gin Kings ang No. 1 NorthPort Batang Pier at sasagupain ng Elasto Painters ang No. 2 TNT Tropang Giga sa kani-kanilang best-of-seven semifinals duel na magsisimula sa Pebrero 26 sa Smart Araneta Coliseum.
Kaagad pinatalsik ng Batang Pier ang No. 8 Magnolia Hotshots, habang pinagbakasyon ng Tropang Giga ang guest team Eastern sa kanilang mga quarterfinal matches.
Nagbitbit ang NorthPort at TNT ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa Magnolia at Eastern.
Ilang players ng Ginebra at TNT ang kasama sa Gilas.
- Latest