Shootout: 5 karnaper todas
MANILA, Philippines - Napatay ang 5 lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa kahabaan ng Payatas Road, ilang oras matapos tangayin ng mga ito ang isang taxi sa Cubao, Quezon City.
Wala pang pagkakakilanlan ang mga nasawing suspek na pawang armado ng baril.
Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-9:00 ng umaga sa kahabaan ng Payatas Road, Barangay Payatas ay nagsagawa ng checkpoint sa bahagi ng Litex Road ang mga otoridad matapos makatanggap ng impormasyon sa pagtangay sa isang taxi sa may bahagi ng Cubao dakong alas-6:55 ng umaga.
Nagsumbong ang taxi driver sa pulisya tungkol sa pagtangay ng kanyang pinapasadang Karolnick taxi (UWB-849) ng limang lalaki.
Habang nagsasagawa ng checkpoint sa lugar ng Commonwealth Avenue malapit sa bahagi ng Litex Road ay naispatan ng mga ito ang isang kulay itim na Isuzu Sportivo na walang plaka na patungong Payatas.
Dahil kahinahinala ang sasakyan ay nagpasyang sundan ito hanggang sa mabatid na nagsasagawa naman ng Oplan Sita ang tropa ng Special Traffic Action Group (STAG) ng QCPD sa pagitan ng QC at Rodriguez, Rizal at tinimbrehan ang nasabing SUV.
Nakatunog ang mga suspek ay nagsipaglabasan ang mga suspek sa taxi para lumipat sa Sportivo at pinaputukan ang mga sumusunod na pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis at nauwi sa ilang minutong barilan na ikinasawi ng mga suspek.
Nabatid na tinangay ng mga suspek ang taxi sa Cubao at ibinaba ang driver sa Project 6 kaya’t nakapagsumbong agad ito sa mga pulis.
- Latest