150 OFWs sa Israel gusto nang umuwi

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na hindi bababa sa 150 OFWs sa Israel ang nais nang umuwi sa gitna ng umiigting na tensyon at missile strikes sa pagitan ng Israel at Iran.
Ayon kay DMW Secretary Hans Cacdac, ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kahit wala pang ipinatutupad na mandatory repatriation dahil may sapat na bomb shelters sa Israel.
Ayon kay Cacdac na patungong Jordan at Beirut para bisitahin ang mga Pilipino roon, inaayos na ang pagpapauwi ng unang batch ng mga OFW.
Aniya, “kakaiba” at mas malala ang kasalukuyang labanan kumpara sa mga nakaraang sigalot.
Samantala, limang Pilipino ang nasugatan sa gitna ng gulo na ang tatlo ay nakalabas na ng ospital, isa ay nagpapagaling, at isa ang nasa kritikal na kondisyon.
- Latest