Salutatorian na bumatikos sa graduation speech nagpasaklolo sa CA
MANILA, Philippines - Nagpasaklolo sa Court of Appeals (CA) ang isang salutatorian graduate ng isang catholic school matapos hindi bigyan ng Certificate Of Good Moral Character sanhi upang hindi makapasok sa kolehiyo.
Hiling sa inihaing Extremely Urgent Petition (for Certiorari and Mandamus with Prayer for Temporary Restraining Order/Writ of Preliminary Injunction and Motion to Submit Case for Oral Argument), ni Krisel Mallari,16, sa pamamagitan ng ama na si Ernesto at ng Public Attorneys Office (PAO) na baligtarin ang naging desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 215 na kumatig sa Santo Niño Parochial School (SNPS) sa hindi pag-iisyu ng nasabing dokumento.
Una nang umapela sa mababang korte ang kampo ni Mallari, subalit pinanigan umano nito ang paaralan partikular ang registrar na si Yolanda Casero.
Matatandaang naging viral sa social media ang nai-post na kuha sa salutatory speech ni Mallari noong nakalipas na Marso na nagbulgar sa pandaraya umano ng isa sa honor student, subalit ilang ulit ding nakita na pinatitigil siya sa pambabatikos habang nasa stage ng kaniyang adviser at iba pang school personnel.
Nais ni Mallari na iatas ng CA na mabigayan siya ng certificate na nabanggit na isa sa kailangan niyang requirement sa pagpasok sa University of Sto. Tomas kung saan siya pumasa sa slot ng Accountancy course.
- Latest