^

Police Metro

Mamasapano survivors pinarangalan ni PNoy

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binigyang parangal kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga survivors at sugatan ng Mamasapano incident sa isang simple at pribadong seremonya sa Malacañang.

Binigyan ni Pangulong Aquino ng plake ng kagi­tingan at medalya ang mga survivors ng madugong Mamasapano incident noong Enero 25 kung saan ay nasawi ang may 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).

Kabilang din sa pinagkalooban ng Pangulo ng pagkilala at medalya ay ang survivor na si PO2 Christopher Lalan na nagtago sa water lilies sa ilog habang binabaril siya ng mga sniper.

Ang Pangulong Aquino ay nagpasalamat sa kagitingang ipinamalas ng mga SAF members sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin.

Ginanap ang simpleng seremonya ng pagkilala sa mga buhay na bayani ng Mamasapano incident sa President’s hall ng Malacañang kahapon kung saan ay naroroon din sina PNP officer in charge Leonardo Espina, DILG Sec. Mar Roxas at Defense Sec. Voltaire Gazmin.

Ginawa ng Pangulo ang pagharap sa mga survivors ng Mamasapano incident kahapon ng umaga bago ito humarap sa isang national address sa taumbayan kagabi.

ANG PANGULONG AQUINO

CHRISTOPHER LALAN

DEFENSE SEC

LEONARDO ESPINA

MALACA

MAMASAPANO

MAR ROXAS

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with