Substandard na bakal na ginagamit sa rehabilitasyon ng Yolanda victims nasamsam
MANILA, Philippines - Nasamsam kahapon ng mga otoridad ang mga substandard o mahihinang klase ng bakal na umano’y ginagamit sa rehabilitasyon sa mga lugar na tinamaan ni Yolanda sa Visayas Region sa isang raid sa General Trias, Cavite.
Umaabot sa P40M ang nasamsam na bakal sa isang raid kahapon ng alas-10:00 ng umaga sa Golden Gate Business Park, Brgy. Buenavista, General Trias ng lalawigan.
Isinilbi ang search warrant laban sa SteelTower Steel Corporation na pagmamay-ari ng mga negosyanteng Filipino-Chinese na sina Alex Go, Andrew Go, Jason Ang, James Ang at Jintuan Wu.
Nasamsam sa operasyon ang 16,000 piraso ng 8MM rolled steel bars, 600 toneladang angle bars na may sukat na 4.5 X 50X50, hindi sertipikadong GI wires substandard angle bars na may pekeng LSC logo at wala ring sertipikang unmarked roofing materials.
Magugunita na noong Abril ay inirekomenda ni Rehabilitation Czar Panfilo Lacson kay DTI Secretary Gregory Domingo na gawing deputado ang PNP-CIDG upang magsagawa ng raid sa mga gumagawa ng nasabing mga substandard materials na ginagamit sa rehabilitasyon ng gobyerno sa mga lugar na pininsala ng super bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013 matapos na sumingaw ang mga substandard na materyales na ginagamit sa konstruksyon ng mga bunkhouses.
- Latest