^

Police Metro

Galing burol...SUV hulog tulay: 2 konsehal 1 pa todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa hindi na umabot ng buhay sa ospital ang da­lawang konsehal ng bayan ng Sto. Niño, lalawigan ng Cagayan at isang sibilyan matapos ang sinasakyan nilang sports utility vehicle (SUV) ay nahulog sa tulay kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Councilors Rosendo Ruiz Jr. at Orlando Campano at sibilyan na si Zenaida de Leon na pawang nagtamo ng malulubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan naman ng lunas ang iba pang konsehal na sina Jamil Romeo Uy, Felomina Tulali at Romeo Pecson.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-5:30 ng hapon ay galing sa burol ng kaibi­gan nila si Hernan Pinapin ng Brgy. Tabang ang mga biktima at papauwi na ang mga ito sakay ng Mitsubishi  Montero (WRD-757)  na minamaneho ni Uy.

Pagdating sa pakur­ badang highway ng Brgy. Magical, Sto. Niño nang mawalan umano ng kontrol sa manibela si Uy kaya’t sumalpok ang kanilang sasakyan sa tabi ng barandilya sa highway ang behikulo.

Nagpagulong-gulong ang kanilang sasakyan hanggang sa mahulog sa isang mataas na tulay sa lugar.

Nagtamo ng malulubhang sugat sa katawan ang mga biktima at dalawa sa kanila ang hindi na naisalba ang buhay.

vuukle comment

BRGY

COUNCILORS ROSENDO RUIZ JR.

FELOMINA TULALI

HERNAN PINAPIN

JAMIL ROMEO UY

ORLANDO CAMPANO

ROMEO PECSON

STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with