^

Police Metro

10-12 barko ng Chinese naispatan sa West PH Sea

Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa 10-12 barko ng Chinese go­vernment ang naispatan na nagpapatrulya sa West Philippine Sea kabilang ang mga lugar na pag-aari ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Phi­lippine Air Force (PAF) Chief Lt. Gen. Jeffrey Delgado, matapos na matanggap ang mula sa  kanyang mga tauhan na nagmo-monitor sa lugar.

“There are times that they number - in the whole of the West Philip­pine Sea - ten to twelve. But it also trickles down to three or four,” pahayag ni Delgado.

Sakali naman at kailanganin, binigyang diin ni Delgado na handa ang mga tauhan nito at kanilang mga air assets at iba pang mga kagamitan na ipagtanggol ang teritoryo sa soberenyang nasasaklaw ng Pilipinas.

Nilinaw naman ni Delgado na sa kasalukuyan ay iniiwasan ng hukbong himpapawid alinsunod sa polisiya ng pamahalaan ang anumang armadong komprontas­yon o giyera sa West Philip­pine Sea.

Ayon naman kay   Col. Florante Falsis, Deputy Intelligene ng Philippine Air Force matatagpuan ang mga naturang barko sa Ayungin at Panatag Shoal na nasa West Phi­lippine Sea.

Nagpapatuloy pa rin anya ang ‘dredging’ o kuwestiyonableng mga aktibidades na ginagawa ng mga barko ng China sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa kabila naman ng kahandaan ng PAF na ipagtanggol ang teritor­yong nasasaklaw ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa ay aminado si Delgado nahindi kayang pantayan ng Pilipinas ang lakas ng puwersa ng Chinese Air Force kahit na abutin pa ng limang taon.

Sa mga naglabasang balita, umaabot sa 6,000 ang bilang ng mga erop­lano ang People’s Libe­ration Army Air Force ng China na kinabibilangan ng mga  MIG jetfighters at makabagong Russian made Sukhoi flanker.

 Habang wala namang maipagmamalaking jet fighters ang Pilipinas dahil simula 2005 ay na-dekomisyon na ang mga F5 at bagaman bumili ito ng 12 FA 50 jet figh­ters mula South Korea ay  sa susunod na taon pa darating ang unang batch nito at sa 2016 pa makukumpleto ang delivery ng naturang mga combat aircrafts. - Joy Cantos-

vuukle comment

AIR FORCE

ARMY AIR FORCE

CHIEF LT

CHINESE AIR FORCE

DELGADO

PILIPINAS

SHY

WEST PHILIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with