Race car champ patay sa tandem
MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ng riding in tandem suspek ang isang sikat na Pinoy race car driver habang sugatan naman ang helÂper sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ang nasaÂwing si Ferdinand Pastor, alyas Enzo, 31, at residente sa no. AA206 Galleria De Magallanes, Lapu-Lapu St., Makati City.
Nasugatan naman ang kasama nitong si Paolo Salazar, 20, binata ng Baay, Lingayen Pangasinan.
Sa ulat, bago nangyari ang ambush dakong alas-10:20 ng gabi sa kahabaan ng Congressional Avenue, kanto ng Visayas Avenue, Brgy. Pasong Tamo ay galing ang biktima sa Batangas Racing circuit sakay ng isang truck (WSC-331) patungong Clark International Speedway para sa isang racing competition.
Sinasabing binabagtas ng truck ang Congressional Avenue at pagsapit sa Visayas Avenue ay inabutan sila ng stoplight.
Habang naghihintay ng go signal ay biglang sumulpot ang isang laÂlaki at pinagbabaril si Pastor, habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Salazar.
Mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng kanilang motorsiklo.
Naitakbo pa ang mga biktima sa Quezon City General Hospital, subaÂlit idineklarang dead on arrival si Pastor.
Narekober sa crime scene ang apat na basyo at dalawang tingga ng kalibÂre 45 baril na ginamit ng salarin sa pananambang.
Si Pastor ang kauna-unahang Pinoy na tumanggap ng All Star Award sa Night of Champions sa National Association for Stock Car Auto Racing (NASCAR) Gala noong DisÂyembre 2013 sa North Carolina matapos maÂging overall champion sa EURO-NASCAR.
Lalaban pa sana ito sa Hulyo para sa fifth leg ng karera sa Clark International Speedway.-Ricky T. Tulipat-
- Latest