‘Aliens’ bawal magpapako sa krus
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng pagbabawal ang pamunuan ng Barangay Cutud, San Fernando City, Pampanga sa mga dayuhan na sumama sa pagpapako sa krus partikular sa Biyernes Santos.
Ito ang sinabi ni Barangay Cutud, chairman Remigio Dela Cruz dahil sa paalala ng Department of Tourism na hindi isinusulong ng gobyerno bilang tourism attraction ang taunang pagpapako ng ilang deboto tuwing Biyernes Santo sa nasabing barangay.
Bagama’t anya dinadayo ng maraming turista ang nasabing event ay nais pa rin umano nilang mapanatili ang pananampalataya ng mga sumasali sa live crucifixion.
Tumutulong at nagbibigay naman umano ng assistance ang DoT para sa mga dayuhang nagtutungo sa kanilang lugar.
Sa taunang aktibidad ay hindi bumababa sa 50,000 hanggang 60,000 katao ang dumarayo sa lugar para saksihan ang Senakulo o mismong pagpapako sa krus ng ilang deboto.
- Latest