Bibitaying OFW sasagipin
MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng pamahalaan na nananatiling nakatuon ito sa mga pamamaraan at mga hakbangin upang sagipin ang Overseas Filipino Worker (OFW) na nakatakdang bitayin sa Saudi Arabia at sa pagkalap ng P40 milyong blood money nito.
Sinabi ni Vice President Jejomar Binay, ginaranÂtiyahan nito na tinatrabaho ng gobyerno na mailigtas sa eksekusyon ang OFW na nasa death row na si Joselito Zapanta na binigyan na lamang ng isang buwang palugit upang maipasa ng kanyang pamilya ang hinihinging blood money para sa pamilya ng Sudanese national na napaslang ng huli kapalit ng kanyang buhay at kalayaan.
“It is my responsibility to care for the welfare of our OFWs. There is no politics here. This is my duty,†ani Binay na tumatayo ring Presidential Adviser on OFW Concerns.
Ito ay sa kabila ng umano’y sentimyento ni Zapanta dahil sa maling ulat sa pagbibigay ng tulong ng Emir ng Saudi para sa kanyang blood money.
Magugunita na nagpahayag si Zapanta ng kanyang pagka-dismaya sa mali-mali umanong ulat na ang Emir ng Saudi ay tutulong sa pangangalap ng kanyang blood money.
Nitong Pebrero, inianunsyo ni Binay na si Prince Khalid Bin Bandar Bin Abdul Aziz, pamangkin ni Saudi King Abdullah at Emir ng Riyadh region ay pinaniniwalaang nangako ng 1 milyong Saudi riyal para sa blood money ni Zapanta.
“It was the embassy that informed me about the pledge. Zapanta had no knowledge about it,†ani Binay.
Dahil dito, muling nanawagan si Binay ng tulong sa publiko na tumulong upang mabuo ang blood money na kailangan upang masagip si Zapanta. Nakapagbigay na aniya si Pangulong Benigno Aquino III ng “sufficient amount†bilang ambag sa blood money ni Zapanta. Sa kabila nito, hindi pa rin umano sapat ito upang mapunan ang demand ng pamilya ng biktima.
Nauna nang humingi ang pamilya ng napatay ni Zapanta ng SAR 5 milyon na napababa sa SAR 4 milyon.
Sa mga gustong magbigay ng donasyon, maaaÂring magdeposito sa Riyadh Philippine Embassy’s sub-account sa Saudi Hollandi Bank: Account Number 037-040-790-022, International Bank Account Number (IBAN): SA 61-5000-0000-0370-4079-0022, Swift Code: AAALSARI.
- Latest