4 Reporter patay, 6 missing kay ‘Yolanda’
MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon base sa natanggap na impormasyon na nakalap ng (National Union of Journalist of the Philippines) na pinamumunuan ni Rowena Carranza Paraan na apat na reporter ang kasama sa libong nasawi habang 6 ang nawawala sa paghagupit ng super bagyo na si Yolanda sa Visayas Region.
“The news that I have been dreading: that we have colleagues who have died from Yolanda’s wrathâ€, ani Paraan sa kaniyang facebook account na tinukoy ang mga pangalan ng mga biktima.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Archia GlobioÂ, reporter ng DyBR-Tacloban; Malou Realino, reporter ng DyBR –Tacloban; Alan Medina ng DyVL Aksyon Radyo Tacloban at RoÂnald Vinas, DyVL Aksyon Radyo-Tacloban.
Ang labi ni Vinas na nasawi kasama ang miÂyembro ng pamilya nito at mga station personnel ay hindi pa nakukuha mula sa lugar na kinamatayan ng mga ito.
Kabilang naman sa mga nawawala ay sina Sarwell Meniano ng Leyte-Samar Daily Express at correspondent ng Business World sa Tacloban City; Benjamin VeriÂdiano, stringer ng GMA7; Babay Jaca ng DyBR-Tacloban; Lulu Palencia ng DyBR-TacÂloban, Jun Estoya ng DyBRÂ-Tacloban at Jasmine Bonifacio, Radyo Diwa reporter, Tacloban City.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) umaabot na sa 2,357 katao ang nasawi sa hagupit ng super bagyong Yolanda kung saan karamihan sa mga biktima ay mula sa TacÂloban City.
Ayon sa NDRRMC, maliban sa nasawi ay nasa 77 pa ang nawawala habang nasa 3,853 ang nasugatan.
Nasa 1.7 milyon na pamilya o katumbas ng 8 milyon katao ang naapekÂtuhan ng kalamidad mula sa Regions 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 10, 11 at CARAGA.
Sa ngayon mahigit sa kalahating milyong katao pa ang patuloy na inaÂayudahan ng gobyerno na karamihan ay nasa evacuation centers habang naitala naman sa 236,989 na bahay ang nasira ng bagyo.
- Latest