^

PM Sports

Sotto puwede nang maglaro sa Gilas

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sotto puwede nang maglaro sa Gilas
Kai Sotto
FIBA

MANILA, Philippines — Sigurado nang makakalaro ang isa sa twin to­wers ng Gilas Pilipinas na si Kai Sotto sa inaaba­ngang ikalawang window ng 2024 FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong linggo.

Nakumpleto na ng 7-foot-3 sensation ang concussion protocols matapos madale ang ulo sa huling laro niya para sa mother club na Koshigaya Alphas sa Japan B. League.

Nagkaroon si Sotto ng matinding banggaan sa 80-72 panalo ng Koshigaya kontra sa Yokohama kaya isinailalim ng B. League sa protocol hanggang sa pag-uwi niya sa Pilipinas para sa FIBA break.

Bagama’t dumating na sa bansa bago palang ang idinaraos na training camp ng Gilas sa Calamba, Laguna ay hindi muna nakasali sa ensayo si Sotto at sa wakas ay na-clear na ito.

Sa kabilang banda, wala pa ring kasiguruhan sa sitwasyon ng isa pang big man na si AJ Edu na nadale na naman ng panibagong knee injury 71-68 pagkatalo ng Nagasaki Velca sa Akita Northern Happinets.

Sa kabila nito, solido pa rin ang frontline ng Gilas na pangungunahan ni Sotto kasama sina 8-time PBA MVP June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, naturalized player Ange Kouame at Mason Amos.

Nakumpleto na ang Gilas pool kamakalawa matapos ang pagdating ni Carl Tamayo mula sa South Korea at isa pang naturalized player na si Justin Brownlee.

Hawak ng Gilas ang 2-0 sa Group B at walang balak magalusan kontra sa New Zealand sa Huwebes at sa Hong Kong sa Linggo sa MOA Arena.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with