117 aspirante sa pagka-senador nuisance candidates - Comelec
MANILA, Philippines — Idineklarang nuisance candidates ng Commission on Elections (Comelec) ang 117 na aspirante sa pagka-senador batay sa inilabas na desisyon ang dalawang dibisyon.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naresolba na ang lahat nang ito.
Sa ngayon aniya ay mayroon na ring anim na aspirante ang nagsumite ng kanilang motion for reconsideration na kanila namang tututukang maresolba sa susunod na linggo.
Sinisimulan na rin ng Comelec ang pagsusuri sa local aspirants na target naman nilang matapos bago sumapit ang buwan ng Disyembre.
- Latest