^

Police Metro

Mga sekyu sa mall pinagbawalan magsuot ng Santa Claus costume

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Mga sekyu sa mall pinagbawalan magsuot ng Santa Claus costume
Sinabi ni Francisco na may prescribed uniform sa mga security guard na dapat sundin at sakali umanong mag-iba ng uniform ang mga security guard ay kailangang dumaan muna ito sa approval ng kanilang tanggapan.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — “Bawal ang pagsusuot ng full Santa Claus costume sa mga security guard partikular sa mga mall ngayong magpapasko”.

Ito ang sinabi ni  PNP-Civil Security Group Director Police Major Gen Leo Francisco sa panayam sa ika-44 na anibersaryo ng PNP-CSG sa Camp Crame.

Sinabi ni Francisco na may prescribed uniform sa mga security guard na dapat sundin at sakali umanong mag-iba ng uniform ang mga security guard ay kailangang dumaan muna ito sa approval ng kanilang tanggapan.

Sakaling labagin, papatawan ng penalty ang security agency na nagpahintulot nito.

Pero nilinaw naman ni Francisco na bagama’t bawal ang full santa claus uniform ay papayagayan naman ng CSG ang pagsusuot ng sumbrero o santa hat.

Maghihigpit naman sa inspeksyon sa mga customer ang mga security guard lalo na sa mga mall ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Nakasaad aniya ito sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act 5487 o Private Security Agency Law. Maaaring patawan ng parusa ang ­security agency ng security guards na lalabag hanggang sa kanselahin ang kanilang permit.

SANTA CLAUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with