2025 war games ng US, Philippines simula na sa Abril

MANILA, Philippines — Sa darating na Abril ng taong sisimulan ang Balikatan joint military exercises na lalahukan ng libong sundalong mga Amerikano at tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa mga opisyal ng AFP ang PH-US war games ay isasagawa sa mga piling lugar sa bansa sa huling bahagi ng Abril hanggang sa kalaghatian ng Mayo ng taong ito.
Samantalang magiging tampok naman sa military drills ay ang live-fire exercises, land defense techniques at iba pa.
Ayon kay Col. Ma. Consuelo Castillo, Spokesperson ng Philippine Air Force (PAF) sa kanilang hanay ay isasagawa ang Cope Thunder Philippines, isang bilateral exercise na inisponsoran ng US Pacific Air Forces (PACAF) na binansagang Cope Thunder Philippines 25-1 na gaganapin mula Abril 7 hanggang 18 ng taong ito.
Itatampok sa Cope Thunder ng joint war drills sa sea, air at ground exercises ng PAF at US Air force.
Kamakalawa ay inilunsad na rin ng Philippine Army ang Salaknib at Sabak 2025 na bahagi ng Balikatan Exercises na naglalayong palakasin ang kakayahan sa land defense ng Philippine Army at United States Army Pacific (USURPAC).
- Latest