^

Police Metro

P1 milyong reward para sa nakapatay ng VM candidate

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-alok ng P1 million reward ang isang congressman sa makapagtuturo sa pumatay nitong Lunes sa isang kandidato sa pagka-vice mayor sa Tantangan sa probinsya ng South Cotabato.

Magugunita na binaril ng anim na beses sa loob mismo ng kanilang bakuran sa Barangay Bukay Pait ang biktimang si Jose Osorio, na isa sa kandidato sa mga kandidato sa pagka-vice mayor sa Tantangan, hindi kalayuan sa Koronadal City na kabisera ng South Cotabato.

Inanunsyo ni South Cotabato Cong­ressman Peter Miguel sa mga himpilan ng radyo sa Koronadal City nitong Martes na handa siyang magbigay ng P1 million na pabuya sa sinumang makakatulong sa mga imbestigador ng Tantangan Municipal Police Station sa pagkilala ng nakapatay kay Osorio, na chairman ng Bukay Pait.

Ayon sa mga ­kakilala at mga kamag-anak, naniniwala silang may kinalaman sa pulitika ang pagpatay sa kanya dahil wala naman siyang kagalit at naging mabuti siyang barangay chairman ng Bukay Pait.

SOUTH COTABATO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with