^

Police Metro

Sa paglusob ng kanyang mga tauhan sa Zambo… P-Noy duda kay Nur

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pi­nagdududahan ni  Pangulong Benigno Aquino III ang inihayag ni founding MNLF Chairman Nur Misuari na wala itong kinalaman sa pag­lusob ng kanyang mga tauhan sa Zam­boanga City.

Ito ang sinabi ni Pa­ngulong Aquino sa ambush interview matapos dalawin ang mga sundalo at pulis na humaharap sa mga MNLF na lumusob sa lungsod wala siyang narinig na kinausap ni Misuari si Kumander Habier Malik upang itigil ang pag-atake sa lungsod.

Dapat anya ay pag-isipang mabuti muna ang sinasabing walang kinalaman si Misuari sa naging aksyon ng may 100 MNLF na sumugod sa lungsod at patuloy na ginagawang hostage ang mga sibilyan.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo na ini-report sa kanya ni Justice Sec. Leila de Lima na ang mga dating kaso ni Misuari ay nabasura dahil sa kakulangan ng ebidensiya at ayaw niyang mangyari ulit ito kaya tinitingnan natin ang aktwal na ebidensiya bago natin sampahan ng kaso.

Personal na nagtu­ngo kahapon sa lungsod si Pangulong Aquino upang maghatid ng mga gamot, relief goods at kagamitan ng mga sundalo na patuloy na humaharap sa krisis sa Zamboanga at hu­mingi din ng paumanhin sa mga residente dahil sa hindi agad mawakasan ang krisis, subalit na­ngakong mareresolba ito sa mapayapang paraan upang maiwasan na may masawi pa.

 

vuukle comment

AQUINO

CHAIRMAN NUR MISUARI

JUSTICE SEC

KUMANDER HABIER MALIK

MISUARI

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with