6 patay sa road tragedy
MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masayang outing ng isang pamilya sa isang beach resort makaraang sumalÂpok sa telecommunications tower ang van na kanilang sinasakyan na ikinasawi ng anim na magkakapamilya sa baÂyan ng Monkayo, Compostela Valley kamakalawa ng gabi.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Fe MonaÂres, 40; mga anak nitong sina Nikki, 16 at Khea, 14; mga pinsan nilang sina Ronald, 39 at Rhona Mae Anghad at Kenneth Mascariñas.
Ang apat na nasuÂgatan ay kinabibilaÂngan ng driver na si Nilo Mascariñas ay pawang nilalapatan na ng lunas sa pagamutan.
Batay sa ulat ni Sr. Supt. Camilo Cascolan, Director ng Compostella Valley Police, apat sa mga biktima ay pawang dead on the spot habang ang dalawa ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan.
Sa imbestigasyon, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang sakuna sa kahabaan ng Davao-Agusan highway sa Purok Dao, Brgy. Banlag, Monkayo habang ang mga biktima ay lulan ng Suzuki van (YAW-353) na galing sa outing sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte at kasalukuyang pauwi na nang mangyari ang sakuna.
Nabatid na kasalukuyang bumabagtas sa pakurbadang daan ang van nang magpagiwang-giwang ang takbo nito sa highway hanggang sa sumalpok sa tower ng Globe Telecoms sa nasabing lugar.
Sa lakas ng pagkakasalpok ay bumaliktad at halos nayupi ang behikulo kung saan naipit sa loob ang mga nasawi habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang iba pang mga nasugatan.
- Latest