Mancao tuluyan nang inalis sa WPP
MANILA, Philippines - Opisyal nang inalis sa listahan ng Witness ProÂtection Program ng DeÂpartment of Justice si dating police officer Cesar Mancao.
Ito ang inihayag ni JusÂtice Secretary Leila de Lima matapos niyang lagdaan ang mga papeles para sa pormal na pag-aalis kay Mancao sa WPP.
Ginawa ni de Lima ang hakbang makaraang hindi tumalima si Mancao sa kanyang panawagan na sumuko na, at kasunod na rin ng mga ibinato nitong paratang na katiwalian laban sa WPP.
Kaugnay nito, nanawaÂgan din si De Lima kay Mancao na makonsensya dahil isa raw kabalintunaan ang paglapastangan nito sa WPP na mismong kuÂmupkop sa kanya.
Halata ring nadismaya at nasaktan ang kalihim dahil kahit malagay umano siya noon sa alanganin ay naninÂdigan pa rin siya na huwag alisin si Mancao sa WPP bagamat hindi tiÂnanggap ng korte ang hiÂling ng prosekusyon na gawin siyang state witness sa Dacer-Corbito double murder case.
Bilang chief implementor ng programa, nanindigan din si De Lima sa integridad ng WPP at nagpahayag din siya ng kumpiyansa sa kasalukuyang direktor ng programa na si Atty. Martin Menez.
Tahasan pang sinabi ni de Lima na kung desperado na si Mancao para sa kanyang sariling kaligtasan, hindi naman daw tama na idamay nito ang WPP dahil hindi umano nito nauunawaan kung ano ang posibleng iduÂlot ng umano’y walang katotohanan niyang mga paratang laban sa programa.
- Latest