^

Police Metro

‘Hindi ako magpapatawad’ - VP Sara

Mer Layson - Pang-masa
‘Hindi ako magpapatawad’ - VP Sara
Vice President Sara Duterte attends her office's first budget hearing with the House appropriations committee on Aug. 28, 2024.
House of Representatives / Release

Mga botante pinaalalahanan na maging matalino

MANILA, Philippines — Ito ang naging mensahe ni Vice President Sara Duterte na hinggil sa diwa ng Kapaskuhan sa Thanksgiving Party, na idinaos ng Office of the Vice President (OVP) kamakalawa.

Ayon kay VP Sara, bilang bise presidente, kailangan niyang sabihin sa mga mamamayan na ang Pasko ay panahon nang pagpapatawad, pagmamahal at pagbibigay, dahil ito aniya ang tunay na diwa ng Pasko.

“Ang Pasko ay panahon ng pagpapatawad, pagmamahal, at pagbibigay. Forgiving, ­giving, and loving. Lagi ko pong sinasabi na depende ‘yan sa tao pero dahil ako ay vice president, kailangan ko sabihin na yan ang mensahe at diwa ng Pasko,” anang bise presidente.

Gayunman, kung siya umano ang tatanungin ay hindi siya magpapatawad.

“Iba-iba ang tao, di ba? Mayroon sa atin mabilis magpatawad, mayroong matagal at mayroon sa atin na dinadapa sa hukay ang galit,” aniya pa.

Pinaalalahanan pa ni VP Sara ang mga botante na maging matalino sa mga ihahalal na susunod na lider ng bansa at nagbabala na hindi porke ga­ling sa kilalang political family ay otomatikong sila na ang dapat iboto.

Kailangang anyang suriin rin munang mabuti kung ang mga kandidato ay mayroon bang sapat na kakayahan bukod sa kanyang bitbit na apelyido.

Dagdag pa niya, ­iboto ang mga kandidato base sa kuwalipikasyon ng mga ito at hindi sa ayudang ibinibigay sa kanila.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with