P80-M smuggled goods at sports car nasamsam
MANILA, Philippines -Tinatayang aabot sa P80 milyon halaga ng smuggled na sports car at iba pang produkto ang nasamsam sa serye ng anti-smuggling operation na isinagawa ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon sa mga bodega ng Port of Manila.
Iprinisinta ni Biazon sa mga mamamahayag ang mga nasabat na isang McLaren Sports Car, model 2012 (MP4-12C), na nagmula sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng P45 milyon na ang consignee ay isang nagngangalang Edgardo Reyes;3,598 packages ng aluminium window frame, na nanggaling sa bansang China, na nagkakahalaga ng P7 milyon consignee ay ang Chariot Enterprises.
Nasamsam din sa iba pang container van ang 220 kahong health products, Optimax Delite, mula Singapore na nagkakahalaga P20 milyon na ang consignee ay ang BWL Health and Sciences Incorporated; used tires mula sa bansang Japan, na ang halaga ay nasa P1 milyon na ang consignee ay ang Honkawa Sangyo Phils, Inc.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga naturang consignee ng mga nasabat na kontrabado.
- Latest