BFAR bubusisiin ang pagsadsad ng US ship sa Tubbataha Reef
MANILA, Philippines - Ang mga divers ng Bureau of Fisheries ang Aquatic Resources (BFAR) ang naatasang magbusisi sa Tubbataha Reef para alamin ang pinsalang idinulot ng pagsadsad ng USS Guardian dito noong Enero 17.
Ayon kay BFAR Dir. Asis Perez na bagama’t Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lead agency na umaalam ng pinsala sa apektadong bahura, kadalasang hinihingi ng kagawaran ang kanilang tulong para magsagawa ng assessment.
Anya, may barko ang BFAR malapit sa Tubbataha Reef saÂkaÂling kailanganin ng tulong.
Ang Tubbataha Reef ay isang protected area at kabilang sa World Heritage sites ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).
- Latest