^

Police Metro

UPLB coed tumalon mula sa ika-7 palapag ng condo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang babae na hinihinalang estudyante ng University of the Philippines-Los Baños, matapos itong tumalon mula sa ika-7 palapag ng isang condominium kamakalawa sa Malate, Maynila.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa pa­gi­tan ng 19-20-anyos, katam­taman ang panganga­ta­wan, may taas na 5’6”, naka­suot ng kulay ma­roon na shortpants at round neck na t-shirt na may logo ng University of the Philippines Los Baños, Institute of Hu­man Nutrition and Food Performing School in Nutirition and Dietetics, naka­suot din ng  gray jacket, mahaba ang buhok na kulay blonde.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon nang tumalon ang biktima mula sa ika-7th palapag ng Grand Towers Manila Condominium na matatagpuan sa 790 P. Ocampo St., Malate.

Bago ang pagtalon ay nakita sa CCTV footages ang biktima na galing sa ika-29 palapag at sumakay sa elevator dakong alas-3:41 ng hapon at bumaba ito ng 7th floor kung saan matatagpuan ang amenities ng condominium.

Dito ay nakita ang biktima na hinubad ang suot na tsinelas at tumuntong sa isang planters box bago inakyat ang concrete fence na may taas na 5 talampakan at tumalon.

Bumagsak ang biktima  likurang bahagi ng condo na nakita ng isang Lucky Tinio, 20, estudyante ng St. Benilde College habang nakatayo ito  sa harapan ng kanilang bahay sa 2671 Alunan St., Malate.

 

 

ALUNAN ST.

GRAND TOWERS MANILA CONDOMINIUM

INSTITUTE OF HU

LUCKY TINIO

NUTIRITION AND DIETETICS

NUTRITION AND FOOD PERFORMING SCHOOL

OCAMPO ST.

SHY

ST. BENILDE COLLEGE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES LOS BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with