2nd win pakay ng Capital1 laban sa PLDT
MANILA, Philippines — Ang ikalawang sunod na panalo ang target ng bagitong Capital1 Solar Energy sa pagsagupa sa PLDT Home Fibr.
Lalabanan ng Solar Spikers ang PLDT High Speed Hitters ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang upakan ng Petro Gazz Angels at Akari Chargers sa alas-4 ng hapon sa 2024 PVL All-Filipino Conference sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.
Sa alas-6 ng gabi magkikita ang Chery Tiggo Crossovers at Farm Fresh Foxies.
Magkasosyo sa liderato ang nagdedepensang Creamline, Choco Mucho at Cignal HD sa magkakatulad nilang 3-0 record kasunod ang PLDT (2-1), Chery Tiggo (2-1), Petro Gazz (2-1), Akari (1-2), Farm Fresh (1-2), Capital1 (1-2), Nxled (0-3), Galeries Tower (0-3) at bagitong Strong Group Athletics (0-3).
Umiskor ang Solar Spikers ng 25-18, 25-20, 19-25, 25-20 panalo sa Athletics, habang nakatikim ang High Speed Hitters ng 16-25, 23-25, 21-25 kabiguan sa Gazz Angels sa kanilang mga huling laro.
- Latest
















