^

PM Sports

Gilas vs Iran sa krusyal na panalo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Iran sa isang krusyal na bakbakan nga­ yong araw sa fifth window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers sa Karisma Arena sa Seremban, Malaysia.

Nakatakda ang duwelo ng Gilas Pilipinas at Iran sa alas-5 ng hapon.

Sariwa pa ang Gilas sa impresibong 97-58 panalo laban sa Syria noong Bi- yernes kung saan nagpaulan ang Pinoy squad ng 14 three-pointers.

Ang panalo ang nagda- la sa Gilas Pilipinas sa No. 3 spot sa Group E tangan ang 5-4 rekord kasalo ang Iran at Jordan.

Umarangkada si Kevin Quiambao na nagtala ng 18 puntos lahat galing sa three-point territory habang naglista naman si Kai Sotto ng double-double na 18 puntos at 10 rebounds.

Maganda rin ang simula ni naturalized player Bennie Boatwright na nag­ lista ng sariling doubledouble na 16 puntos at 13 rebounds. Alam ni Gilas coach Tim Cone na mapapalaban ng husto ang kanyang bataan kontra sa Iran. Kaya naman bantaysarado ang coaching staff sa laban ng Iran at Australia para mapag-aralan ang ga­ lawan ng Middle Eastern country.

“These games at this point of the qualifying win- dow 5 of 6, we see this as absolutely crucial for us. And were were watching the Iran-Australia game and they came up with tremendous physicality and i

ntensity to start the basket- ball game,” ani Cone. Umaasa si Cone na madadala ng Gilas ang momento ng panalo nito kontra sa Syria. Partikular na tinukoy nito si Boatwright na ina- asahang makakapasok na ng husto sa sistema ng Gilas Pilipinas.

Limang araw pa la- mang naglalaro si Boat- wright kasama ang Gilas Pilipinas ngunit maganda na ang inilalaro nito. Galing naman ang Iran sa 67-84 demolisyon sa kamay ng Australia sa kanilang huling laro.

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with